Template Probationary Contract Filipino/Tagalog Version – Soft Copy Editable Template
₱1,725.00
This is a soft copy template saved in Word File and editable in Word Document.
This contains the sample terms, conditions, clauses, and provisions of the contract described.
See below to view the Contents of this soft copy template.
- Description
Description
SAMPLE TEMPLATE
KONTRATA PARA SA PANSAMANTALANG TRABAHO
(CONTRACT FOR
PROBATIONARY EMPLOYMENT)
KNOW ALL MEN BY THESE PRESENTS:
Ang KONTRATA PARA SA PANSAMANTALANG TRABAHO na ito ay isinagawa nina
XYZ Corporation, isang korporasyon na itinatag sa ilalim ng batas ng Republika ng Pilipinas at may principal na pahatirang sulat sa 123 Bldg., Ayala Ave., Makati City, Philippines, na kinakatawan ng pangulo nito na si MR. ____________________, na tinutukoy sa kabuuang dokumento na ito bilang “EMPLOYER”,
(-at si-)
Read more..
MR. ________________________, nasa hustong gulang, at nakatira sa _____________________________________________, na tinutukoy sa kontratang ito na “PROBATIONARY EMPLOYEE”,
WITNESSETH THAT:
SAMAKATUWID, ang EMPLOYER ay nangangailangan ng empleyado na magsisimula bilang pansamantalang trabahador o probationary employee na sasailalim sa pagsubok o trial period;
SAMAKATUWID, ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay naghahanap ng trabaho at nagpaalam ng kanyang nais na magtrabaho sa EMPLOYER bilang pansamantalang empleyado;
SAMAKATUWID, ang kasunduan ay base sa pansamantalang estado o empleyado sa loob ng hindi lalagpas sa anim na buwan na kung saan ang pagiging isang regular o permanente ay naka depende sa kung ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay makatupad sa mga pamantayang nakasaad upang maging isang permanente o regular o maipasa ang trial period;
KUNG KAYA, nagkasundo ang mga partido at nagsasaad ng mga sumusunod:
SIMULA NG KONTRATA PARA SA PANSAMANTALANG TRABAHO
1. Ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay pansamantalang tinanggap sa trabaho upang magsagawa ng mga tungkulin bilang isang _________________________ na may mga tungkulin na ang patuloy na pagtatrabaho ay nakasalalay sa mga probisyon patungkol sa mga kondisyon sa pagpapatuloy. Ang kanyang estado bilang pansamantalang empleyado ay naka-depende rin sa kung siya ay papasa sa pamantayang nabanggit dito o sa panahon ng pagsubok o trial period at kung mayroong rason upang siya ay alisin ayon sa batas;
2. Ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay papasok sa trabaho nang eksakto o bago pa mag alas 8:00 ng umaga at aalis ng alas 5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado. Ang anumang pasok na lampas sa alas otso ng umaga ay ituturing na huli sa pagpasok sa trabaho at ang pag-alis sa trabaho ng mas maaga sa alas-singko ay ituturing na kulang sa oras sa araw ng trabaho na kung saan siya ay babawasan ng karampatang sahod at papatawan ng parusa bilang disiplina dahil ito ay ituturing na pag-abandona sa trabaho;
3. Ang simula ng pagtatrabaho ng PROBATIONARY EMPLOYEE ay ang araw ng pagsimula ng kasunduang ito na may petsang _____________. Ang pansamantalang estado o probationary status ay may bisang anim (6) na buwan o hanggang _____________, maliban na lamang kung ito ay tinapos dahil sa pagkatanggal sa trabaho sanhi ng hindi pagpasa sa mga pamantayang nabanggit o sa anumang dahilan sa ilalim ng batas at mga patakaran;
4. Ang pansamantalang estado ng PROBATIONARY EMPLOYEE ay naka kondisyon sa mga sumusunod na deklarasyon nito:
a. Pawang makatotohanan at tamang pagdeklara ng mga impormasyon ito man ay nakasulat o hindi;
b. Mga pawang totoong paglalahad lamang ng mga impormasyong pinatotohanan nito;
c. Garantiya na siya ay walang nilabag na ilang mga kontrata sa ibang amo o employer o walang kontratang nakasagabal sa pagpasok sa kasunduang ito;
d. Na siya ay nasa maayos na kalusugan para mag trabaho
5. Ang anumang mga paglabag at kasinungalingang nakasaad sa ika-apat na talata (paragraph 4) at mga nasa ilalim nito ay maituturing na paglabag sa kasunduan at hindi pagtupad sa mga kondisyong nabanggit na magiging dahilan ng pagkawalang bisa ng kasunduang ito;
6. Kung sakaling mapawalang bisa ang kontratang ito dahil sa mga paglabag sa Section 4 nito at mga kasamang probisyon, ang empleyado ay magbabayad sa EMPLOYER ng lahat ng danyos mula sa mga mali at hindi makatotohanang mga impormasyon, o anumang nakakahawang sakit na taglay ng PROBATIONARY EMPLOYEE sa halagang hindi bababa sa katumbas na tatlong [3] buwang sahod. Ang EMPLOYER ay magpapasya kung magkano ang halaga ng danyos at ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay nagbibigay ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kasunduang ito sa EMPLOYER na pansamantalang hindi ibigay ang mga naiwang sahod at halaga ng benepisyo habang inaalam ang halaga ng danyos na nabanggit;
PAGPAPALAWIG NG PANSAMANTALANG TRABAHO
7. Sa panahon ng kanyang pansamantalang trabaho, ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay sasailalim sa buwanang pagsusuri upang alamin kung siya ay pumasa sa mga legal at makatarungan na pamantayang ipinaalam sa kanya ng siya ay matanggap at magsimula sa trabaho;
8. Kung sakali na ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay hindi pumasa sa pamantayang itinakda at ipinaalam sa kanya, siya ay tatanggalin sa trabaho dahil sa hindi pagpasa sa mga pamantayan o failure to qualify. Ang paunawa o abiso sa pagkatanggal sa trabaho ay magiging epektibo pagkatapos ng ika-pitong araw mula na matanggap ito ng PROBATIONARY EMPLOYEE;
9. Maaring palawigin o i-extend ng EMPLOYER ang pansamantalang estado ng PROBATIONARY EMPLOYEE sa loob ng ilang buwan ayon sa mapagkakasunduan. Ang pagpapalawig ng pansamantalang estado sa trabaho ay hindi nangangahulugan ng tuloy-tuloy na maayos na serbisyo ng empleyado bagama’t ito ay isang pagpapakita lamang ng konsiderasyon sa PROBATIONARY EMPLOYEE;
MGA DAHILAN UPANG TANGGALIN SA TRABAHO
10. Maliban sa hindi pagpasa sa mga pamantayan upang maging isang regular o permanenteng empleyado, ang PROBATIONAY EMPLOYEE ay maari ring tanggalin sa alinman sa mga dahilang nakasaad sa Article 297 ng Labor Code at iba pang probisyon ng batas;
11. Maari ring tanggalin sa trabaho ayon sa mga dahilang nakasaad sa Article 298 gaya ng retrenchment, redundancy at iba pa kung ang kompanya ay nakakaranas ng mahinang benta, kakulangan sa materyales, pagkalugi o banta ng pagkalugi, o kaya Article 299 dahil sa malubhang karamdaman;
12. Ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay maari ring alisin sa trabaho kung makagawa ng mga paglabag sa Code of Conduct ng kompanya o EMPLOYER na nakalakip sa kontratang ito. Ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay nagdedeklara na kanyang nabasa at naintindihan ang mga probisyon o nilalalman ng Code of Conduct na ipinaliwanag sa kanya ng lubos at malinaw ayon sa salita o diyalektong kanyang naiintindihan;
13. Maari rin siyang alisin sa trabaho kung ang negosyo ng EMPLOYER ay magsarado o tumigil dahil sa dikta ng batas, mga patakaran ng pamahalaan, utos ng korte at ng awtoridad;
14. Maaring pansamantalang itigil ang operasyon o negosyo ng EMPLOYER dahil sa kawalan ng mga materyales, benta, mamimili, order, pagkalugi at iba pa na kung saan ay maari ring matigil ang pagbibigay ng trabaho sa PROBATIONARY EMPLOYEE;
LUGAR NG TRABAHO
15. Ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay pisikal na magtatrabaho sa prinsipal na opisina ng EMPLOYER na matatagpuan sa ____________________________________. Pero ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay pumapayag na ilipat, ipadala, i-assign, i-appoint, sa ibang lugar sa Pilipinas o sa kung saan man na mayroong proyekto ang EMPLOYER;
16. Ang lugar ng trabaho ay maaring maiba kung ang EMPLOYER ay lumipat ng ibang opisina, lugar ng negosyo o lugar ng proyekto at kung mangyari man ito ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay pumapayag na ilipat o maipadala sa ibang lugar;
MGA TUNGKULIN NG PROBATIONARY EMPLOYEE
17. Ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay magsasagawa ng mga tungkuling nakasaad sa dokumentong nakalakip dito bilang Annex “A” at iba pang mga responsibilidad na maaring ipagawa na may kinalaman sa mga ito;
18. Ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay susunod sa mga batas, regulasyon, patakaran, pamantayan, patas na mga alituntunin, at mga kagawiang maayos at mabuti sa pag ganap sa kanyang mga tungkulin;
19. Sa paggawa ng kanyang trabaho, ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay idadaan sa buwanang pagsusuri upang malaman ang kanyang kapasidad kung siya ba ay pumasa bilang isang regular o permanenteng empleyado.
20. Ayon sa mga pamantayan ng kompanya, ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay susuriin buwan-buwan sa loob ng anim [6] na buwan o mas maiksi depende sa kung sapat na ang resulta upang alamin ang kanyang kapasidad na maging regular o permanente. Kapag nagkaroon ng iskor na mababa sa seventy-five percent (75%) ito ay nangangahulugan na hindi pumasa. Kung sakaling hindi makapasa sa pagsusuri sa kahit na alinmang panahon sa loob ng anim na buwan, siya ay maaring alisin sa dahilang failure to qualify. Kapag bumagsak, pumapayag ang PROBATIONARY EMPLOYEE na magpatuloy bilang pansamantalang empleyado o probationary worker depende sa desisyon ng EMPLOYER. Ang pagpalawig ng kanyang serbisyo ay hindi nangangahulugan na siya ay pumasa at patuloy na tinanggap at magserbisyo. Ito ay mangangahulugan ng konsiderasyon mula sa kompanya;
MGA SAHOD AT BENEPISYO
21. Ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay tatanggap ng sahod na ____________ PESOS (PHP______.00) kada araw na babayaran tuwing ika-15 at ika-30 o ika-31 ng bawat buwan ayon sa itinakdang patakaran at kalakaran sa loob ng kompanya tungkol sa “cut-off period”. Itinuturing na ang kabuuang bilang ng araw ng trabaho sa loob ng isang taon ay 313 days;
22. Ang “cut-off” period ay ang na palugit na kung saan hindi isasama sa paparating na araw ng sahod ang ilang araw upang mabigyan ng panahon ang EMPLOYER na i-proseso ang mga sahod ng empleyado. Para sa ika-15 na sahod, ito ay babayaran base sa ipinasok na araw mula ika-21st nang nakaraang buwan hanggang ika-5 ng kasalukuyan buwan lamang. Habang ang sahod para sa ika-30 o ika-31, depende sa kung anong buwan, ay babayaran base sa ipinasok na araw hanggang ika-6 hanggang ika-20 ng buwan lamang;
23. Ang sahod ng PROBATIONARY EMPLOYEE ay babawasan ng halaga para sa kontribusyon sa SSS, Pag-Ibig at PhilHealth. Siya rin ay bibigyan ng 13th month pay kung nakapasilbi na ng isang buwan;
24. Ang sahod at benepisyo ay maaring iba-iba depende sa estado ng empleyado. Kung kaya ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay hindi ipapaalam ang mga mahahalagang impormasyon gaya ng sahod at mga benepisyo kahit kaninuman. Ang paglabag sa probisyong ito ay may karampatang parusa na makakaapekto sa markang nabanggit sa itaas;
MGA TAMANG KASUOTAN SA LOOB NG OPISINA AT KATAPATAN
25. Ang PROBATIONAY EMPLOYEE ay papasok sa trabaho na suot ang tamang damit o uniporme pangtrabaho.
26. Ang empleyado ay pinagbabawalang maghanap ng trabaho, magtrabaho, sa anumang kapasidad, full-time, part-time, etc., sa ibang employer o kompanya habang nagtatrabaho sa kompanyang ito;
MGA GASTOS SA PAGHUBOG NG KASANAYAN NG EMPLEYADO
27. Alam at naiintindihan ng PROBATIONARY EMPLOYEE na sa panahon ng kanyang pansamantalang panunungkulan, siya ay binigyan ng mga pagsasanay tungkol sa pamamalakad, kaalaman sa mga produkto, paraan, istratehiya, materyales, teknolohiya at iba pa na kung saan ang EMPLOYER ay gumastos o namuhunan;
28. Ang PROBATIONARY EMPLOYEE, dahil sa gastos ng EMPLOYER sa mga pagsasanay nito, ay mananatili sa serbisyo sa loob ng anim na buwang paglilingkod. Kung siya man aalis, dapat niyang ipaalam ito sa pamamagitan ng isang sulat na magiging epektibo pagkatapos ng tatlumpong araw mula ng matanggap ito ng EMPLOYER;
29. Kapag umalis sa trabao o mag-resign, ang PROBATIONARY EMPLOYEE ay magpapaalam sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat tatlumpong araw (30 days) bago maging epektibo ito. Kung sakaling umalis ang PROBATIONARY EMPLOYEE nang hindi nagpapaalam ayon sa panahong nabanggit [30-day notice], siya ay magbabayad sa EMPLOYER ng halagang katumbas ng tatlong buwang sahod bilang danyos perhuwisyo. Babayaran din ng empleyado ang anumang gastos ng EMPLOYER sa mga pagsasanay nito;
PAGSANG-AYON SA ILALIM NG DATA PRIVACY LAW
30. Sa pagbibigay ng aking mga personal na impormasyon at mga sensitibong personal na immpormasyon, ginagawaran ng kapangyarihan ng PROBATIONARY EMPLOYEE ang EMPLOYER na gamitin ang mga ito sa anumang paraan na may kinalaman sa kontrata sa trabaho. Kinikilala ng PROBATIONARY EMPLOYEE ang karapatang ito ng EMPLOYER na sakop na rin ang mga iba pang datos, impormasyon, at mga dokumento. Ang pagsagawa ng EMPLOYER ng mga hakbang ayon sa ibinigay kong kapangyarihan ay hindi maituturing na paglabag sa data privacy law, human relations, o anumang sipi ng Data Privacy Law. Sumasang-ayon din ng PROBATIONARY EMPLOYEE na maaring ibahagi ng EMPLOYER ang mga nasabing impormasyon sa mga pagkakataong malipat, ma promote, maiba ang estado, at iba pang kahalintulad na hakbang. Pinapawalang sala ng PROBATIONARY EMPLOYEE ang mga opisyal, may-ari, empleyado, tagapangasiwa, at kinatawan ng kompanya sa anumang mga danyos, reklamo, pananagutan, at paglabag, hinggil sa paggamit, pagproseso, at pagbahagi ng nasabing mga sensitibong personal na impormasyon.
31. Ang kontratang ito at ang mga nakalakip na dokumento o Annexes ay bumubuo ng lahat ng napagkasunduan sa pagitan ng partido na magiging obligasyon ng bawat partido maging ng kanilang mga tagapagmana o ang sinumang maaring magpatakbo ng kompanya.
IN WITNESS WHEREOF, the parties have hereby affixed their respective signature this ____ day of _______, 20____, in the City of ____________.
For the EMPLOYER:
_______________________ ________________________
President PROBATIONARY EMPLOYEE
Signed in the presence of:
__________________________ _________________________
ACKNOWLEDGMENT
Republic of the Philippines )
City of _______________ ) S.S.
BEFORE ME, a notary public for and in the City of ______________, the parties appeared and presented their respective identification cards as competent proof of identity and are known to me and to me known to be the same persons who executed the foregoing Contract for Probationary Employment consisting of fourteen (14) pages, including this page where the Acknowledgment is written and affirmed to me that the same is their own, free, voluntary act and deed.
WITNESS MY HAND AND SEAL, this _____ day of __________, 20____.
Doc. No.: _________;
Page No.: _________;
Book No.: _________;
Series of 20_____
close